1st General Assembly ng Salaam Police Advocacy Group-Cagangohan Chapter, isinagawa
Matagumpay na isinagawa ang 1st General Assembly ng Salaam Police Advocacy Group(SPAG)-Cagangohan Chapter nito lamang Oktubre 1, 2024 sa Purok Durian, Barangay Cagangohan, Panabo City, Davao del Norte.



Ang pagtitipon na ito ay nagsilbing daan upang bigyang-diin sa pamamagitan ng komprehensibong talakayan ang mga responsibilidad ng bawat miyembro ng Salaam Police Advocacy Group.
Bahagi din sa pagtitipon ang lektyur tungkol sa mahahalagang batas at crime prevention tips na kinakailangan upang maayos magampanan ng mga miyembro ang kanilang mga tungkulin.
Ang aktibong pakikiisa ng mga tauhan ng Panabo City Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Angelito E De Gala, PCR Officer ay kumakatawan sa patuloy na pagsisikap ng kapulisan na itaguyod ang pagtutulungan para sa mas mapayapa at maunlad na Bagong Pilipinas.