Empowering Communities Lecture, isinagawa sa Maguindanao del Norte
Matagumpay na isinagawa ang Empowering Communities Lecture sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nito lamang ika-2 ng Oktubre 2024. Pinangunahan ng Ministry of Social Services and Development BARMM ang naturang aktibidad katuwang ang Sultan Kudarat Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Esmael A Madin, Chief of Police na kung saan nakapaloob ang naging aktibidad ang discussions tungkol sa Disaster Risk Reduction Management, Gender-Based Violence, and Sanitation and Waste Management.


Naglalayon ang aktibidad na ito na pakikipagtulungan sa MSSD katuwang ang kapulisan ay nagpapakita ng isang pagtutok sa pagpapaunlad ng mas ligtas at mas malusog na mga komunidad.
Sa pamamagitan ng pagtugon sa mga mahahalagang isyung ito, layunin ng programa na bigyan ang mga benepisyaryo ng praktikal na harapin ang mga hamon at magsulong ng isang mapagkalingang kapaligiran para sa lahat.