Mga estudyante ng Binuay National at Elementary School, nakiisa sa Drug Symposium at Anti-Terrorism Advocacy

0
460010696_546088844623754_4319204157322339612_n

Nakiisa ang estudyante ng Binuay National High School at Binuay Elementary School sa isinagawang Drug Symposium at Anti-Terrorism Advocacy sa Barangay Binuay, Dimataling, Zamboanga del Sur noong Martes ika-1 ng October, 2024.

Ang aktibidad na ito ay ininsyatibo ng mga tauhan ng Dimataling Municipal Police Station sa ilalim ng superbisyon ni Police Major Mario A. Regidor, Officer-In-Charge, katuwang ang mga tauhan ng Municipal Health Office (MHO) at sa pakikipagtulungan kay Hon. Idran Sarueda, Barangay Chairman ng Binuay.

Layunin ng symposium na ipalaganap ang kaalaman tungkol sa mga panganib ng ilegal na droga at terorismo, pati na rin ang pagpapalakas ng kamalayan ng mga kabataan sa mga isyung ito.

Ang mga estudyante ay aktibong nakilahok sa talakayan at lubos na pinahalagahan ang mga leksyon na ibinahagi ng mga tagapagsalita, na nagbigay ng inspirasyon sa kanila na maging mapagbantay sa kanilang mga komunidad at tumulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *