OPLAN BES, isinagawa sa Agtugop Elementary School sa Cebu

Masigasig na nakiisa ang mga mag-aaral sa OPLAN BES (Bisita Eskwela I Am Strong) na ginanap sa Agtugop Elementary School, Barangay Agtugop, Asturias, Cebu noong ika-7 ng Oktubre 2024.

Ang makabuluhang aktibidad ay pinangunahan ng 1st PMFC sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Danilo R. Yema Jr, katuwang ang mga tauhan ng Asturias MPS at kinatawan ng MSWDO.

Tinalakay ang mga mahahalagang usapin tulad ng Drug Awareness (BIDA Program), at mga batas tulad ng RA 7610, RA 9208, RA 8353, at EO 70 na may kinalaman sa NTF-ELCAC upang itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng mga programa na sumusuporta sa edukasyon ng kabataan.

Sa ilalim ng Bagong Pilipinas, mahalaga ang mga ganitong inisyatibo upang masiguro na ligtas ang bawat mamamayan at mabigyan ng proteksyon laban sa anumang uri ng karahasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *