Stakeholders, nagsagawa ng Community Outreach sa Benguet

Nagsama-sama ang mga stakeholders sa pagsagawa ng outreach program na pinamagatang “Light a Village” para sa mga residente ng Gayasi, Wangal, La Trinidad, Benguet noong Sabado, ika-16 ng Nobyembre 2024.

Sa layunin ni Ms. Venus Yap, President of LSCMM Foundation, Inc, na magbigay ng pag-asa, pagkakaisa, at malasakit sa kapwa, at magdala ng mensahe ng liwanag at pagmamahal ngayong Kapaskuhan, matagumpay na naisakatuparan ang programa sa tulong ng mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit (RPCADU) Cordillera, sa pangunguna ni Police Colonel Luisito B. Meris, at ng Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB 15).

Bilang bahagi ng aktibidad, nagdekorasyon ang grupo ang mga bahay upang salubungin ang masayang panahon ng Pasko. Namahagi rin ng mga tsokolate sa mga masayang bata, na nagdulot ng kagalakan sa buong komunidad.

Nagdaos din ng iba’t ibang palaro upang aliwin mga residente, lalo na sa mga kabataan.

Lubos ang pasasalamat ng mga residente dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na may isinagawang outreach program sa kanilang barangay.

Ayon sa kanila, ang ganitong mga programa ay nagbibigay ng malaking tulong at inspirasyon sa buong komunidad, at umaasa na masundan pa ito ng iba pang mga proyekto sa hinaharap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *