Relief Operation, isinagawa sa Calubian Leyte
Matatamis na ngiti ang isinukli ng mga residenteng naapektuhan ng Bagyong Pepito nang makatanggap ng ayuda mula sa mga Lokal na Pamahalaan at kapulisan sa pamamagitan ng relief operation na isinagawa sa anim na barangay sa Calubian, Leyte nito lamang ika-16 ng Nobyembre 2024.
Pinangunahan ito ng mga Lokal na Pamahalaan ng Leyte kasama ang Calubian Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Alexander C Alfonso, Acting Chief of Police, Municipal Social Welfare and Development Office, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at barangay Officials. Tumanggap ang mga apektadong mga residente ng Brgy. Efe, Brgy. Don Luis, Brgy. Padoga, Brgy. Villahermosa, Brgy. Paula at Brgy. Villalon, Calubian, Leyte ng mga libreng food packs upang matugunan ang kanilang agarang pangangailangan.
Sa pagkakaisa ng lokal na pamahalaan, at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay kaligtasan ng bawat mamamayan ang naisalba sa naturang bayan.