Coastal Clean Up Drive, isinagawa ng Advocacy Support Group sa Antique

Nagsagwa ang mga miyembro ng advocacy support group ng isang makabuluhang Underwater at Coastal Clean-Up Activity sa baybayin ng Nogas Island sa bayan ng Anini-y, Antique nito lamang Nobyembre 16, 2024.

Ang aktibidad ay inisyatiba at bahagi ng kampanya ng Municipal Advisory Group na pinamagatang “Dunang Manggad Amligan para sa Parangabuhian” katuwang ang Antique PPO, Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Hon. Maxfil B. Pollicar, at mga miyembro ng MENRO, Bantay Dagat, MDRRMO San Jose, at iba’t ibang force multipliers tulad ng NACCGI, EFGBI, GCBO, GBI-TUG, at PCGA.

Ang coastal clean up drive activity ay bahagi ng isa sa Core Values ng PNP na “MAKAKALIKASAN” na naglalayong isulong ang kalinisan, tamang pamamahala ng basura, at pagpapalawak ng kamalayan ng publiko sa mga isyung pangkalikasan.

Sa pagsasama-sama ng iba’t ibang sektor ng komunidad, hindi lamang nalinis ang dalampasigan at ilalim ng dagat, kundi naipadama rin ang pagkakaisa at pagmamalasakit para sa kalikasan.

Ang simpleng gawain ng paglilinis ay isang mahalagang hakbang tungo sa isang malusog na komunidad at mas maaliwalas na kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *