LTOPF Caravan at Renewal of Firearms License, isinagawa sa Naujan, Oriental Mindoro

Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Naujan ang License to Own and Possess Firearms (LTOPF) Caravan at Renewal of Firearms License sa Brgy. Santiago, Naujan, Oriental Mindoro nito lamang ika-27 ng Nobyembre 2024.

Naisakatuparang ang aktibidad katuwang ang mga tauhan ng Naujan MPS, RCSU MIMAROPA, RFSO MIMAROPA at RMDU MIMAROPA.

Layunin ng aktibidad ang magbigay ng mas madali at mabilis na proseso para sa mga may-ari ng baril sa bansa na mag-renew ng kanilang mga lisensya at mag-apply ng mga bagong permit, pati na rin tiyakin na sumusunod ang mga ito sa mga regulasyon ng pamahalaan ukol sa kaligtasan at seguridad.

Ang caravan na ito ay nagbibigay daan upang mas maraming tao ang makapag-renew o mag-apply ng mga lisensya nang hindi na kinakailangang pumunta sa mga opisina ng PNP o mga kaugnay na ahensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *