100 Mag-aaral, nakiisa sa Symposium Activity sa Cebu

Nakiisa ang ang higit-kumulang 100 mag-aaral ng Cebu Technological University (Barili Campus) sa Symposium Activity Na ginanap sa Brgy. Cagay, Barili, Cebu noong ika-26 ng Nobyembre 2024. Ang aktibidad ay inisyatiba ng ng Barili Municipal Police Station na may temang “Breaking the Silence: A Comprehensive Approach to Drug Awareness, VAWC, and Mental Health.” Katuwang sa aktibidad ang Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) na pinamumunuan ni Gng. Lucille Gemina, mga opisyal ng barangay, Barangay Health Workers (BHWs), at mga tanod mula sa Brgy. Kalubihan.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng higit-kumulang 100 mag-aaral mula sa Hotel Management Department, mga guro, at kawani ng unibersidad.

Tinalakay sa programa ang mga mahahalagang usapin tulad ng kamalayan sa epekto ng ilegal na droga, karahasan laban sa kababaihan at kabataan (VAWC), at pangangalaga ng kalusugan ng kaisipan.

Ang mga diskusyon ay nagbigay-liwanag sa mga hakbang na maaaring gawin upang masiguro ang kaligtasan at kagalingan ng bawat miyembro ng komunidad.

Ang ganitong uri ng programa ay nagpapakita ng makabago at inklusibong paraan ng paglilingkod, kasabay ng pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng pulisya at komunidad.

Malinaw na naipakita dito ang layunin ng administrasyon na magtaguyod ng mas ligtas, mas maayos, at mas makataong pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *