Violence Against Women Symposium isinagawa sa Davao Oriental

Aktibong nakilahok ang mga kababaihan ng Barangay Capasnan sa Manay, Davao Oriental sa isinagawang symposium nitong ika-3 ng Disyembre na nakatuon sa mga karahasang pinagdadaanan ng maraming kababaihan sa buong mundo.

Ang programang ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya sa bansa, ang 18-Day Campaign to End Violence Against Women, na kinabibilangan ng iba’t ibang aktibidad at programa mula Nobyembre 25, ang International Day for the Elimination of Violence Against Women, hanggang Disyembre 10, na kilala rin bilang Human Rights Day.

Isa sa mga napakahalagang bahagi ng talakayan ang pagpapaliwanag tungkol sa Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Ang batas na ito ay naglalayong magbigay ng proteksyon sa mga kababaihan at kanilang mga anak mula sa anumang uri ng karahasan.

Sa pamamagitan ng mga ganitong talakayan at aktibidad, mas napapalawak ang kamalayan ng mga kababaihan sa kanilang mga karapatan at mga proteksiyong mayroon sila sa ilalim ng batas, na tumutulong sa pagbuo ng isang mas ligtas na komunidad para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *