4th Quarter Bloodletting at Gift Giving Activity, isinagawa ng Golden City Eagles Club

Nagsagawa ng Bloodletting at Gift Giving Activity ang Golden City Eagles Club na ginanap sa Taytay Covered Court, Taytay, El Salvador City, Misamis Oriental nito lamang ika-14 ng Disyembre 2024.

Katuwang sa naturang aktibidad ang City Health Office at Local Government Unit ng El Salvador City na pinamumunuan ni City Mayor Edgar Lignes.

Dumaan sa iba’t ibang screening ang mga donors upang masiguro ang kanilang kaligtasan at pati ang mga benepisyaryo ng nalikom na dugo.

Ang nakapagdonate ay nakatanggap ng limang kilo ng bigas at snacks.

Layunin nito ang makatulong sa pagtaas ng blood supply sa mga ospital at blood banks, at kamalayan sa kahalagahan ng regular na pag-donate ng dugo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *