Mga Kabataan, nakilahok sa PROJECT BE C.A.R.E.F.U.L sa Aurora

0
466775956_1768480573916115_6503153377683289360_n

Nakilahok sa lektura bilang bahagi ng π—ͺ𝗖𝗣𝗗 π—£π—Ώπ—Όπ—·π—²π—°π˜ 𝗕.π—˜. 𝗖.𝗔.π—₯.π—˜.𝗙.𝗨.π—Ÿ (Barangay Empowerment on Child Abuse Resistance and Elimination Fight Unwanted Lewd Design) ang mga kabataan at opisyal ng Barangay 04, Maria Aurora, Aurora nito lamang Linggo, ika-15 ng Diyembre 2024.

Pinamunuan ito ni PMSg Rose C. Panisigan, WCPD PNCO, sa ilalim ng pamamahala ni PMAJ Ferdinand B. Usita, Chief of Police. Tinalakay dito ang RA 8353, RA 9344, RA 11596, at RA 7610 na ipinaliwanag ang kahalagahan ng mga batas na ito sa proteksyon ng mga kabataan laban sa pang-aabuso at karahasan.

Naging aktibo ang pakikilahok ng mga kabataan at opisyal ng barangay sa na kung saan nagkaroon ng malalimang talakayan at pagbabahagi ng mga karanasan at kaalaman ukol sa mga kasong nauugnay sa pang-aabuso ng kabataan.

Sa pamamagitan ng Project BE C.A.R.E.F.U.L, Ang Aurora PNP ay nag lalayong masiguro na ang bawat bata ay ligtas at protektado sa kanilang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *