Barangay Officials, nakiisa sa Clean-Up Drive

Muling nakiisa sa clean-up drive ang mga Barangay officials sa Barangay Sangitan West kasama ang mga tauhan ng 1st Provincial Mobile Force Company nito lamang Sabado, ika-14 ng Disyembre 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng naturang yunit sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Paterno L Domondon Jr, Force Commander, katuwang ang mga opisyal ng lugar.

Nagkaisa ang kapulisan at mga opisyal ng barangay sa pagwawalis, paglilinis, at pag-aayos ng mga nakatambak na sako ng basura na simbolo ng pagtutulungan at disiplina.

Ito ay patunay na kapag nagtutulungan ang pamayanan at ang kapulisan, mas nagiging epektibo ang ating mga programa para sa kalikasan at kaayusan.

Hinihimok naman ang mga residente na makiisa sa mga susunod pang aktibidad upang maipagpatuloy ang adhikaing ito para sa kalinisan at kalusugan ng kanilang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *