BPATs, nakiisa sa Coastal Clean-up Drive sa Lebak, Sultan Kudarat

Masugid na nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa isinagawang coastal clean-up drive sa Brgy. Tibpuan, Lebak, Sultan Kudarat nito lamang Disyembre 18, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Corporal Juhana H Talangin, Invest PNCO kasama ang 5th SOU, Criminology Interns mula sa Notre Dame of Salaman Collage, Salaman Fisherfolks Coastal Association na nilahukan ng nasabing grupo kasama ang mga kawani ng Sultan Kudarat LGU.

Nagsilbing pagkakataon ang nasabing aktibidad upang magtipon-tipon ang mga taga-komunidad sa sa Brgy. Tibpuan upang sama-samang linisin ang baybayin at itaas ang kamalayan hinggil sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.

Ang naturang aktibidad ay alinsunod sa programa ng ating Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na “Buhayin ang Pangangalaga ng Kalikasan” upang ganap na itaguyod ang mas magandang kapaligiran para sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *