Civil Integrated Mobile Group Force Multipliers nagsagawa ng Feeding Program sa San Isidro Elementary School

0
462555578_822088216650170_8676852356695163773_n

Upang ipakita ang walang humpay na pagpapahalaga sa mga kabataan, isang feeding program ang isinagawa ng Civil Integrated Mobile Group (CIMG) Force Multipliers katuwang ang Sta. Maria Municipal Police Station noong ika-18 ng Disyembre 2024 at nagsilbing benepisyaryo rito ang mga mag-aaral ng San Isidro Elementary School sa Brgy. San Isidro, Sta. Maria, Davao Occidental.

Ang naturang kaganapan ay hindi lamang nakapagbahagi ng mga masustansyang pagkain, na nagsilbing pampalakas ng katawan kundi ito rin ay nakapaghandog ng kasiyahan sa mga mag-aaral sa panahon ng kapaskuhan.

Ito ay hindi lamang isang simpleng pamamahagi ng pagkain para sa mga bata kundi isang simbolo ng malasakit at pagtulong ng kapulisan at mga civil society groups sa komunidad.

Sa pamamagitan ng aktibidad, layunin ng mga nagsagawa na mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng kapulisan at mga residente, lalo na ang mga kabataan, upang itaguyod ang kanilang kalusugan at magandang kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *