AURA Inc., nakiisa na Feeding Program ng Aurora PNP
Nakiisa ang Aurora Province Uniformed Personnel Retirees Association Incorporation sa Feeding Program na isinagawa ng Aurora PNP para sa mga kabataan sa Brgy Ditawini Dinalungan, Aurora nito lamang Martes, ika-24 ng Disyembre 2024.
Pinangunahan ito ni Police Captain Alex A Lobres, Officer-In-Charge ng Dinalungan Municipal Police Station, katuwang ang mga miyembro ng AURA Incorporation. Namahagi ang kapulisan sa mga residente ng libreng pagkain na labis namang ikinatuwa at ipinagpapasalamat ng mga ito.
Layunin ng aktibidad na magbigay ng kaalaman tungkol sa tamang nutrisyon, magpatibay ng pagkakaisa sa komunidad, at itaguyod ang mas malusog na pamumuhay.
Sa ganitong paraan, inaasahang mabawasan ang mga sakit na dulot ng malnutrisyon at mapabuti ang pangkalahatang kalagayan ng mga residente.
Patuloy ang Pambansang Pulisya sa paghahatid ng tulong at tapat na serbisyo lalo na sa lubos na nangangailangan upang mapaigting ang magandang ugnayan ng kapulisan at mamayan tungo sa mas maunlad na lipunan.