BPATs, nakiisa sa Awareness Lecture sa Alabel, Sarangani Province

Nakiisa ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa Awareness Lectures tungkol sa Communist Terrorist Group sa Public Market, Poblacion, Alabel, Sarangani Province nito lamang Disyembre 26, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Deanry R Francisco, Provincial Director ng Sarangani Police Provincial Office, kasama ang AFP, PNP at LGU Alabel na kinatawanan ni Hon. Mayor Vic Paul M. Salarda.

Layunin ng aktibidad na ito na ihatid ang pagsasaad ng mga katotohanan tungkol sa masamang gawain ng mga Communist Terrorist Groups at hinimok ang publiko na maging mapagbantay upang hindi malinlang at mabiktima ng Communist Terrorist Groups.

Alinsunod sa layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi titigil ang himpilan sa pagkakaroon ng mga programang magpapayabong sa kaalaman at kakayahan ng bawat Isa tungo sa bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *