BPATs, nakiisa sa 2-Day BPATs Training sa Surallah, South Cotabato
Lumahok ang 340 na mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team mula sa 17 na Barangays sa isinagawang 2-Day BPAT Training sa Barangay Centrala, Surallah, South Cotabato nito lamang ika-28-29 ng Disyembre 2024.

Pinangunahan ng DILG Surallah ang aktibidad sa pangunguna ni Ms. Ma Fe Sotto, MLGOO sa tulong at suporta ng Mayor na si Hon. Mayor Pedro M Matinong Jr. Nakiisa din ang Surallah PNP sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Level Josef J Clarete, Officer-In-Charge ng nasabing istasyon.
Itinuro sa mga miyembro ng BPATs ang tamang handcuffing sa pag-aaresto at self-defense. Tinalakay din ang kani-kanilang mahahalagang tungkulin na gagampanan ngayong papalapit ang pagdiriwang ng bagong taon.
Layunin ng ganitong training na sanayin ang mga force multipliers sa kani-kanilang tungkulin bilang katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan ngayong pagdiriwang ng bagong taon.