Coastal Clean-Up Dive, isinagawa sa Malapatan, Sarangani Province

Matagumpay na isinagawa ang coastal clean-up drive na ginanap sa Purok Panongalon 11-B, Barangay Poblacion, Malapatan, Sarangani Province nito lamang Disyembre 28, 2024.

Ang naturang aktibidad ay nilahukan ng mga personahe ng Malapatan Maritime Law Enforcement Team katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG), Municipal Environment and Natural Resources, Barangay Officials, Barangay Constituents , Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection at Fisherfolks.

Sa kabuuan nasa mahigit kumulang 30 sako ng iba’t ibang klase ng basura ang nakuha ng mga naturang grupo. Layunin ng aktibidad na ito ay alisin ang basura sa baybayin, protektahan ang ecosystem, at itaas ang kamalayan sa polusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *