BIDA Program, tinalakay sa pagtitipon ng Sangguniang Kabataan

0
462584200_2419847751686851_2039469396617250433_n

Nagsilbing aktibong tagapakinig ang mga kabataan ng New Corella, Davao del Norte sa isinagawang Anti-Drug Abuse Symposium kung saan ay binigyan-diin ang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program nito lamang ika-27 ng Disyembre 2024 sa Gym ng Barangay Sambog., New Corella, Davao del Norte.

Tinalakay rito ni PSSg Masbang ang matinding epekto sa kalusugan ng paggamit ng pinagbabaw na droga, kabilang ang pisikal, mental, at sosyal na epekto sa mga indibidwal at komunidad.

Binanggit din sa talumpati ang mga mabigat na parusang legal na kaugnay ng paggamit at pagbebenta ng ilegal na droga, na nagpapakita ng kabigatan ng isyu at ang kahalagahan ng pagpigil sa mga gawain kaugnay ng droga.

Ang inisyatibang ito ay patunay ng patuloy na paghihikayat ng New Corella Municipal Police Station sa mga kabataan na yakapin ang mga positibong pagpapahalaga, tulad ng paggalang sa sarili, responsibilidad, at pakikilahok sa komunidad.

Pinapakita din nito ang kolaboratibong pagsisikap ng mga lokal na lider na tugunan ang isyu ng paggamit ng droga sa mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *