BPATs, sumailalim sa pagsasanay sa Paniqui, Tarlac

Sumailalim sa pagsasanay ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team sa Barangay Canan, Paniqui, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-4 ng Enero 2025.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Paniqui Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Polie Lieutenant Colonel Nicanor Lambino, Chief of Police.

Kaugnay nito, nagbahagi ng kaalaman ang naturang grupo patungkol sa Basic Arnis Techniques na nilahukan ng mga miyembro ng BPATs at mga opisyales ng nasabing barangay.

Layunin ng aktibidad na ito hindi lamang para mapalakas kundi para patatagin ang ugnayan ng bawat isa upang magtulungan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *