BPATs, nakiisa sa Information Drive
Aktibong nakilahok ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) ng Barangay Magdum, Tagum City sa ikinasang information drive na pinangunahan ng mga tauhan ng Tagum City Police Station nito lamang ika-6 ng Enero 2024.
Layunin ng lecture na ito ang pagpalaganap ng kaalaman hinggil sa mga karapatan ng mga mamamayan, mga responsibilidad ng mga peacekeeping teams, at kung paano magtulungan ang komunidad at kapulisan upang makamit ang isang ligtas at maayos na komunidad.
Ang ganitong mga inisyatibo ay nagsisilbing pundasyon para sa pagbuo ng mas ligtas at mas maginhawang komunidad.
Ang proyektong ito ay hindi lamang nakatutok sa pagpapabuti ng public safety, kundi pati na rin sa pagpapalakas ng samahan at kooperasyon ng mga residente at mga law enforcement agencies.