Mga kawani ng TEAM , sumailalim sa Capability Enhancement Training

Bilang bahagi ng pagsusumikap tungo sa mas ligtas at maayos na komunidad, sumailalim ang mga kawani ng Traffic Enforcement Agency of Mandaue (TEAM) sa isang Capability Enhancement Training na ginanap sa Barangay Centro, Mandaue City , noong Sabado, Enero 11, 2025.


Pinangunahan ito ng Mandaue City Mobile Force Company, sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Mark Gifter T Sucalit, Company Commander. Kasama niya sina PLT Ryan H. Lumen, Assistant Company Commander at 4th Platoon Leader, at PLT Gabriel Z. Garcia, Operations Officer at 3rd Platoon Leader.
Dumalo rin sa seminar si TEAM Officer-in-Charge at Department Head Hyll S. Retuya, kasama ang mga kawani ng TEAM. Layunin ng pagsasanay na mapahusay ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagtukoy ng mga kahina-hinalang indibidwal, sasakyan, at bagay.
Ang pagsasanay na ito ay nagpatibay sa panindigan ng TEAM na makiisa sa mga inisyatibo ng Bagong Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyo na may malasakit, kahusayan, at dedikasyon.