BPATs Skill Enhancement Training, isinagawa sa Ligao City

Naisakatuparan ang Barangay Peacekeeping Action Teams Skill Enhancement Training sa Barangay Mahaba, Ligao City noong ika-17 ng Enero 2025.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga Barangay Officials at miyembro ng BPATs mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod.

Layunin ng training na palakasin ang kanilang mga kasanayan at kaalaman sa mga aspeto ng kapayapaan, kaayusan, at pag-iwas sa krimen sa kanilang mga komunidad.

Ang pagsasanay ay pinangunahan ni PEMS Rudencio Corpuz, Chief Investigator ng Ligao City Police Station.

Tinalakay ang mga makabagong estratehiya at pamamaraan upang mapabuti ang koordinasyon at komunikasyon sa pagitan ng mga BPATs, barangay officials, at mga lokal na awtoridad, lalo na sa pagtugon sa mga isyu ng seguridad at public order.

Bilang bahagi ng programa, nagsagawa rin ng mga hands-on na aktibidad at role-playing upang mas mapalalim ang pang-unawa at kahandaan ng mga kalahok sa pag-handle ng mga sitwasyong pangkaligtasan.

Pinagtuunan din ng pansin ang mga teknikal na kasanayan sa paggamit ng mga kagamitan at pamamaraan ng surveillance, pati na rin ang pagpapalakas ng community engagement upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *