Anti-Terrorism and Drug Awareness Lecture, nilahukan ng Grade 10 students sa Eastern Samar

0
474022711_791820639808757_5432468585128903271_n

Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral na Grade 10 ng Arteche National High School sa isinagawang Anti-Terrorism and Drug Awareness Lecture sa Arteche, Eastern Samar nito lamang Enero 28, 2025.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng mga tauhan ng 801st Maneuver Company, RMFB 8 sa pamumuno ni Police Captain Mark Daniel L Maraquilla, Officer-In-Charge na dinaluhan ng mga-aaral at guro ng nasabing paaralan.

Tinalakay ng mga kapulisan ang tungkol sa Anti-Terrorism Awareness at Drug Awareness.

Naglalayong turuan ang mga mag-aaral tungkol sa mga panganib at kahihinatnan ng terorismo at ilegal na droga, bigyan sila ng kapangyarihan na manatiling mapagbantay at gumawa ng mga responsableng desisyon upang makatulong na lumikha ng isang mas ligtas at mas matalinong komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *