Awareness Lecture tungkol sa bahagi ng short at long firearms, tinalakay sa mga Criminology students

Isang awareness lecture ang isinagawa ng mga tauhan ng Igacos Police Station kung saan nakatuon ito sa mga bahagi ng short at long firearms nito lamang Enero 27, 2025.

Nagsilbing tagapakinig rito ang mga Criminology students na kasalukuyang sumasailalim sa OJT sa nasabing istasyon. Layunin ng panayam na ito na magbigay ng masusing kaalaman at paliwanag tungkol sa mga pangunahing bahagi at mekanismo ng mga baril ng parehong short firearms at long firearms gayundin ang mga regulasyon at tamang paghawak ng mga ito sa mga aktwal na sitwasyon.

Ang mga ganitong uri ng aktibidad ay hindi lamang nagdadala ng kaalaman kundi pati na rin ng praktikal na karanasan na magagamit ng mga estudyante sa kanilang mga darating na gawain bilang mga propesyonal sa larangan ng kriminolohiya at pagpapatupad ng batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *