KKDAT, nakiisa sa Symposium on Online Sexual Abuse and Exploitation of Children sa Cagayan

Nakiisa ang mga Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Sto. Niño sa isinagawang Symposium on Online Sexual Abuse and Exploitation of Children at Guidelines on NLE 2025 sa Sto. Niño National High School noong ika-28 ng Enero 2025.

Pinangunahan ni PMSg Mylene Beltran, WCPD PNCO, ang talakayan patungkol sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC), R.A 10627 (Anti-Bullying Act), R.A 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act), R.A 8353 (Anti-Rape Law), R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002, COMELEC Gun Ban, mga Guidelines para sa 2025 National at Local at BARMM Elections.

Ang kampanya laban sa terorismo at ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay hangad na mailayo ang mga kabataan sa banta ng insurhensiya at matukoy kung ano at sino ang mga CPP-NPA-NDF.

Hinikayat din ang mga mag-aaral na magsumbong sa kapulisan ukol sa anumang kahina-hinalang aktibidad sa kanilang nasasakupan upang mapigilan ang anumang paglabag sa batas.

Layunin ng aktibidad na ito na hubugin ang mga kabataan bilang tagapagtaguyod ng kapayapaan at maging responsableng mamamayan na may sapat at tamang kaalaman kaugnay sa terorismo at iligal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *