Provincial Youth Leadership Summit, isinagawa sa Apayao

0
475407251_634120429116591_8467408359163227979_n

Matagumpay na naisagawa ang makabuluhang tatlong araw na Provincial Youth Leadership Summit 2025 na ginanap sa Agappawan Nature Farm, Lydia, Pudtol, Apayao mula ng ika-24 hanggang 26 ng Enero 2025.

Mahigit 100 na kabataan ang dumalo na naturang kaganapan na may temang “Inspiring the yApayao youth to embrace leadership, cultivate active engagement in shaping their communities and society with purpose and impact”.

Ang Summit ay inorganisa ng mga tauhan ng 17th Infantry Battalion, 5th Infantry Division, Philippine Army sa pakikipagtulungan ng mga tauhan ng Apayao Police Provincial Office, Pudtol Municipal Police Station at 1st Apayao Provincial Mobile Force Company.

Kabilang sa mga aktibidad ang mga talakayan sa mga paksa hinggil sa Anti-Rape Law of 1997 (RA 8353), Violence Against Women and Children Act (VAWC), Gender and Development, Anti-Terrorism, at Anti-Illegal Drugs.

Bukod pa rito, nagsagawa din ng mga patimpalak at paligsahan sa paggawa ng slogan, banner making, at mga palarong nagpapatibay ng samahan ng bawat pangkat, gayundin ang isang makabuluhang Fun Run.

Samantala, ang aktibidad ay naglalayong magbigay ng mga kasangkapan at pag-iisip na kinakailangan para sa pag-unlad ng komunidad ang mga kabataang lider kung saan hinikayat ng mga militar at pulisya ang mga kalahok na hindi lamang maging tagapagtaguyod para sa positibong pagbabago kundi magkaroon din ng kamalayan sa mga banta ng mga teroristang grupo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *