Mag-aaral ng Nasipit Elementary School, sumailalim sa Awareness Lecture sa Siaton Negros Oriental

Sumailalim ang mga mag-aaral  ng Nasipit Elementary School sa Gender and Development Orientation, Anti-Bullying Campaign, at Drug Awareness Lecture na ginanap sa Brgy. Cabangahan, Siaton, Negros Oriental noong ika-14 ng Pebrero 2024.

Tinalakay sa mga kabataan ang Gender and Development Orientation, ang masasamang epekto ng bullying, at ang mga legal, panlipunan, at personal na implikasyon nito. Bukod dito, pinalawak din ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa kampanya laban sa iligal na droga, pati na rin ang kahalagahan ng pakikiisa sa mga programa ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang komunidad.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, nagkaroon ng mas malalim na pang-unawa ang mga estudyante tungkol sa kanilang papel sa pagpapanatili ng isang ligtas at mapayapang kapaligiran. Pinatibay din nito ang kanilang kamalayan sa mga batas at patakarang sumusuporta sa proteksyon ng bawat mamamayan, lalo na sa mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *