Community-Based Information Education Campaign at BADAC Advocacy Campaign, isinagawa sa CDO

0
476339278_816240457322085_4680823604361929892_n

Matagumpay na isinagawa ng Auxiliary Team ng Barangay Anti-Drug Abuse Council ang Community-Based Information Education Campaign sa Barangay Balulang, Cagayan de Oro City nito lamang ika-9 ng Pebrero 2024.

Aktibong nakilahok ang mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 10 kasama ang personahe ng Cagayan de Oro City Police Station 4 at PDEA RO-X CDO.

Dinaluhan ng mahigit 600 na residente ng ang nasabing aktibidad kabilang ang mga batang estudyante at mga magulang. Tampok sa naturang aktibidad ang lecture ng kapulisan tungkol sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ill effects of illegal drugs, crime tips on theft/akyat Bahay, do’s and don’ts during NLE 2025, gender equality at crime tips on prevention of rape.

Layunin ng programa na magbigay ng kaalaman at kamalayan sa mga residente tungkol sa mga epekto ng illegal na droga, krimen, at mga hakbang sa kaligtasan ng komunidad at magtaguyod ng pagkakaisa laban sa mga banta ng droga at iba pang krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *