Government Agencies sa Northern Samar, nagkaisa sa Solidarity Pact Signing at Interfaith Prayer

Nagkaisa ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ng Northern Samar sa isinagawang Solidarity Pact Signing at Interfaith Prayer para sa 2025 National and Local Elections sa Northern Samar Police Provincial Office Multi-purpose Covered Court nito lamang Pebrero 11, 2025.

Pinangunahan ni Atty. Fidel C Amacna, Provincial Election Supervisor, kasama ang Northern Samar Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Sonnie B Omengan, Provincial Director katuwang ang Faith-Based Leaders, mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno at stakeholders ng nasabing lalawigan.

Binigyang-diin ni Atty. Amacna, ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga ahensya at stakeholder upang matiyak ang Isang mapayapa at matagumpay na proseso ng election.

Hinikayat niya rin ang mga law enforcement agencies at ang komunidad na suportahan ang COMELEC sa pagpapatupad ng mga batas sa halalan, partikular ang mga may kinalaman sa iligal na campaign materials, vote-buying at vote-selling.

Sa nasabing programa, muling pinagtibay ng bawat kalahok na ahensya ang kanilang pangako sa pagtiyak ng isang mapayapa at maayos na halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *