Mag-aaral ng Hinlayagan National High School, nakiisa sa Symposium Activity sa Bohol

Aktibong nakiisa ang mga mag-aaral ng Hinlayagan National High School sa isinagawang Symposium Activity na ginanap sa Hinlayagan, Trinidad, Bohol noong ika-11 ng Pebrero 2025.
Ito ay pinangunahan ng Trinidad Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Nicolas A Aparilla, Chief of Police.
Layunin nito na ipaalam sa mga estudyante ang mahahalagang batas tulad ng Anti-Terrorism Law, RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004), RA 8353 (Anti-Rape Law of 1997), at RA 11648 (Batas na nagpapataas sa edad para sa pagpapasiya ng statutory rape).
Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, nais ng paaralan na bigyang-kaalaman ang mga mag-aaral upang hindi sila malinlang ng maling impluwensya at upang matutunan nila ang kanilang mga karapatan at proteksyon sa ilalim ng batas.
Binigyang-diin sa talakayan na ang tamang impormasyon ay isang mahalagang sandata laban sa pang-aabuso at krimen.

