NARIAG Quirino Chapter, nanguna sa Bloodletting Activity at Outreach Program 

Nagsagawa ng outreach program at Bloodletting Activity ang grupong NARIAG o Anti-Narcotics International Assitance Group sa Zamora Gymnasium, Brgy. Zamora, Cabarroguis, Quirino nito lamang Pebrero 14, 2025.

Naisakatuparan ang proyekto sa pangunguna ni Mr. Eugenio Collado, Provincial Director, NARIAG Quirino Chapter, Philippine  Red Cross Quirino Chapter, LGBTQIA+, PNP Cabarroguis at LGU.

Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng Philippine Red Cross- Quirino Chapter kasabay ng pagdiriwang sa araw ng mga puso.

Umabot sa 120 na  mga estudyante ang naging benepisyaryo ng Feeding program na masayang nag-almusal ng espeyal na sopas at 20 naman ang naitalang nagdonate at nakibahagi sa bloodletting actvity na pakikinabangan sa bloodbank project para sa mga  Quirinians.

Nagbigay naman ng mensahe si Mr. Eugene Collado, taos puso itong nagpapasalamat sa lahat ng taong patuloy na sumusuporta sa mga adhikain at layunin ng Grupong NARIAG kaisa ang PNP partikular ang Police Community Affairs and Development Group sa mandatong magkaisa at palakasin ang ugnayan ng PNP sa komunidad para sa pagkakaroon ng isang payapang pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *