One Billion Rising event, isinagawa sa Northern Samar

Aktibong lumahok ang mga kababaihan ng lalawigan sa One Billion Rising event sa Unibersidad ng Eastern Philippines, Catarman Northern Samar nito lamang umaga ng Lunes, ika-17 ng Pebrero 2025.
Nakilahok ang mga kababaihan ng buong lalawigan, mga tauhan ng Northern Samar Police Provincial Office at mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno.


Nilalayon ng global movement na wakasan ang karahasan laban sa kababaihan, bigyang kapangyarihan ang mga nakaligtas, at isulong ang pagkakapantay-pantay ng kasarian sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at kamalayan.
Sa pagtutulungan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga tagapagtaguyod para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian, patuloy na itinataguyod ang isang lipunang walang karahasan kung saan ang mga kababaihan at mga bata ay maaaring umunlad sa kaligtasan at dignidad.