Symposium Activity, isinagawa sa Gaas Integrated School sa Ormoc City

Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral ng Gaas Integrated School sa isinagawang symposium ng mga tauhan ng Ormoc City Police Office na ginanap sa Barangay Gaas, Ormoc City nito lamang Pebrero 11, 2025.
Ito ay inisyatiba ng Ormoc City Police Office sa pangunguna ni Police Lieutenant Maria Rachel I Salas, Officer-In-Charge WCPD, sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Colonel Reydante E Ariza, City Director.
Ang aktibidad ay kaugnay sa 28th National Week on the Prevention of Child Abuse and Exploitation ay tumutukoy sa taunang pagdiriwang ng linggo sa Pilipinas na nakatuon sa pagpapataas ng kamalayan tungkol sa pang-aabuso at pagsasamantala sa bata.
Ang mga pinagtutuunan ng pansin ay ang pagtaas ng kamalayan ng publiko tungkol sa pang-aabuso at pagsasamantala sa bata, pagtataguyod ng mga mekanismo ng pag-uulat, at pagtuturo sa mga komunidad kung paano protektahan ang mga bata.
