Project R.E.A.D.Y. Symposium, nilahukan ng mag-aaral ng Macabug Elementary School

Project R.E.A.D.Y. Symposium, nilahukan ng mag-aaral ng Macabug Elementary School

Matagumpay na naisakatuparan ang Project R.E.A.D.Y. Symposium na dinaluhan ng mag-aaral ng Macabug Elementary School sa Brgy. Macabug, Ormoc City nito lamang Miyerkules, ika-5 ng Marso 2025.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Ormoc City Community Affairs and Development Unit na aktibong dinaluhan ng mga magulang at mag-aaral na Grades 4, 5 at 6 ng nasabing paaralan.

Ang Project R.E.A.D.Y. o Resistance Education Against Drugs for the Youth ay isinagawa kaugnay ng pagpapatupad ng OPLAN AGAWID (Advocacy against drugs and criminality Grassroots involvement Action-oriented policing Widespread awareness campaigns Intelligence gathering and sharing Deterrence through visibility and enforcement).

Hinihikayat ng grupo ang mga kabataan na umiwas sa paggamit ng ilegal na droga at turuan ng kabutihang loob para tahakin nila ang mabuting landas.

Layunin naman ng programa na palawakin pa ang mga kaalaman ng mga kabataan pagdating sa masasamang epekto at panganib ilegal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *