KKDAT Symposium, isinagawa sa Baybay City

Nagdaos ang mga Sangguniang Kabataan Council ng Barangay Kabunga-an ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo Symposium na ginanap sa Baybay City, Leyte nito lamang Marso 11, 2025.
Katuwang ng grupo ang mga tauhan ng Baybay City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Nerro M Hobrero, na dinaluhan ng mga guro at mag-aaral ng Kabunga-an Integrated School.


Sama-samang binigyang kapangyarihan ang mga kababaihan at kabataan na manindigan laban sa pang-aabuso, droga, at terorismo, pagbuo ng mas ligtas at mas malakas na komunidad para sa lahat.
Layunin ng aktibidad na humikayat at palakasin ang kakayahan ng kabataan sa pagsugpo sa ilegal na droga at problema sa terorismo sa bansa, itaguyod ang pakikipag-ugnayan sa komunidad, palakasin ang ugnayan sa pagitan ng sektor ng edukasyon at PNP.