Pamilihan ni Juana, pormal na binuksan sa Alaminos

Pormal na binuksan ang Pamilihan ni Juana sa People’s Park sa Alaminos City bilang pagdiriwang sa National Women’s Month nito lamang Lunes, Marso 10, 2025.
Ibinida ang mga naggagandahang Cluster Booth, sari-sari at abot kayang mga produkto ng mga miyembro ng Women’s Associations, persons with disabilities, solo parents, at mga kasapi ng KALIPI, 4PS at SLP Associations at maging ang LGBTQIA+.


Tampok sa programa ang PWD Cooking Show, Pampering to Women, Talentadong PWD, Tugtugan sa Parke at Sing Along Challenge at ang Search for Best Booth.
Nakiisa naman sina Ms. Sabrina Anupol-Perez, City Councilor Dahlia De Leon, Ms. Nicole Dizon Sison, Atty. Fabienne Matib, at Atty. Elton Jun Veloria bilang mga hurado ng mga naturang patimpalak kabilang ang mga candidates ng Miss Hundred Islands 2025-Regional.
Samantala, magtatagal ang mga kaganapan at pagdiriwang sa Peoples’ Park hanggang Biyernes, Marso 15, 2025.
Source: Alaminos City LGU