BPATs Seminar, isinagawa sa Santiago City

Nakiisa sa isang araw na seminar ang mga miyembro ng Barangay Peace Keeping Action Team, opisyales ng barangay at kasapi ng lupon sa Barangay Buenavista, Santiago City.

Ito ay inisyatiba ng Santiago City Police Office na pinangunahan ng Community Affairs and Development Unit (CCADU) kasama si Hon. Leofin S. Pascual, Punong Barangay ng nasabing lugar.

Binigyang-diin ng mga tagapagsalita ang mahalagang papel ng BPATS sa community policing at collaborative peacekeeping efforts, mga kaalaman tungkol sa Gender-Based Violence, at tungkol sa Disaster Preparedness and Response.

Ang seminar ay natapos sa isang praktikal na demonstrasyon sa Tactical Arnis at Handcuffing Techniques, hands-on experience sa basic self-defense at tamang mga pamamaraan sa pag-aresto.  Ang seminar ay isang hakbang tungo sa isang mas ligtas at maayos na Santiago City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *