Force Multipliers at Advocacy Support Group, nakilahok sa Tree Planting sa Negros Occidental

Nakilahok sa isang Tree Planting Activity ang mga Force Multiplier at Advocacy Support Group sa Barangay Patag, Silay City, Negros Occidental, nito lamang ika-10 ng Abril 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Silay Component City Police Station, katuwang ang Response Silay Operative Group (RSOG) Force Multiplier at ang mga miyembro ng Bantay Bukid ng Silay City.

Ito ay naglalayong isulong ang pangangalaga sa kalikasan, mapanatili ang balanseng ekolohikal, at maitaguyod ang kamalayan ng komunidad sa kahalagahan ng mga punongkahoy sa ating kapaligiran.

Matagumpay na naipamalas ng mga kalahok ang kanilang layunin na magtanim hindi lamang ng mga puno, kundi ng pag-asa at pangmatagalang malasakit para sa kalikasan—isang hakbang tungo sa mas luntiang kinabukasan para sa susunod na henerasyon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *