National Security Seminar, isinagawa sa Eastern Samar State University
Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral ng Eastern Samar State University – Arteche Campus New Building sa isinagawang National Security Seminar sa Barangay Balud, Arteche, Eastern Samar nito lamang Abril 11, 2025.
Ang aktibidad ay pinasimulan ni Police Lieutenant John Michael P Ipong, Community Affairs Section Officer, nagsilbi bilang Guest Speaker na dinaluhan ng mga 1st year college students mula sa Department of Education, Information Technology, and Hospitality Management, na aktibong lumahok at nagpakita ng malaking interes sa paksa.
Ibinahagi ng tagapagsalita ang kahalagahan ng pambansang seguridad at kung paano gumaganap ng mahalagang papel ang bawat mamamayan sa pagpapanati ng ligtas at payapang komunidad.