Senior Citizens, nakiisa sa dayalogo sa Solana Cagayan

Nakiisa ang mga Senior Citizens ng Solana sa isinagawang dayalogo ng Solana Police Station noong ika-10 ng Abril, 2025 sa Barangay Bangag, Solana, Cagayan.
Tinalakay sa aktibidad ang paksa ukol sa karapatan ng mga Senior Citizen, benepisyo at pribiliheyo na inaalok ng gobyerno na itinakda sa Republic Act No. 9994 o Senior Citizens Act.
Layunin ng aktibidad na mas palawakin pa ang kaalaman ng mga Senior Citizens ng Solana lalo na sa mga karapatan nila at upang mas marami pang matulungan ang gobyerno sa pamamagitan ng iba’t ibang programa sa ating bansa.
Patuloy ang pagkakaisa ng pamahalaang lokal at ng mga kapulisan para sa maayos na komunidad tungo sa mapayapa at ligtas na bagong pilipinas.