Awareness Lecture, isinagawa sa Guihulngan City
Matagumpay na naisakatuparan ang isinagawang
awareness lecture sa Barangay Poblacion, Guihulngan City, Negros Oriental, noong ika-14 ng Abril 2025.
Ito ay inisyatiba ng Guihulngan City Police Office sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Lirio C Coral, Officer-in-Charge, katuwang ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Health Office (CHO), at Religious Sector.
Tinalakay sa nasabing pagtitipon ang mga batas na nagpoprotekta sa kababaihan at mga bata, mga safety tips, at mga paalala ukol sa crime prevention upang matiyak ang ligtas at maayos na pagsasagawa ng National and Local Elections (NLE) 2025.
Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, patuloy na pinalalakas ang ugnayan sa pagitan ng pulisya at ng komunidad upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng bawat mamamayan.