BPATs Empowerment Seminar, isinagawa

Isinagawa ang Empowerment Seminar ng mga tauhan ng Butuan City Police Office para sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) na ginanap sa Limaha Convention Center, Barangay Limaha, Butuan City nito lamang Abril 22, 2025.

Dinaluhan ito ng mga kawani ng Butuan City PNP, mga Criminology Interns mula sa Saint Joseph Institute of Technology (SJIT), at mga purok leaders ng nasabing barangay.

Ilan sa mga paksang tinalakay sa seminar ay ang Spiritual Enrichment, BPATs Roles and Orientation, Basic Information Gathering, Disaster Preparedness, Basic Handcuffing Techniques, First Responders Training, at mga mahahalagang ordinansa mula sa Sangguniang Panlungsod.

Layunin ng seminar na palalimin ang ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng kapulisan at komunidad, at higit sa lahat, hubugin ang kakayahan ng mga barangay volunteers sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa kanilang mga nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *