Force multipliers, nakiisa sa Coastal Clean-up Drive
Nakiisa sa isinagawang Coastal Clean-up Drive ang iba’t ibang force multipliers sa Coastal Road, Cagayan de Oro City nito lamang Abril 22, 2025.
Ang naturang aktibidad ay nilahukan ng mga Force Multilplier ng syudad, BFP Station 2 Lapasan, Philippine Coast Guard, BJMP, Brgy. General Services Office, Brgy. Tanod, at mga residente ng naturang lugar.
Kapit-bisig sa paglilinis ang mga nasabing grupo na sa kabuuan mahigit kumulang 20 sako ng iba’t ibang klase ng basura ang kanilang nakuha.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong palakasin ang pakikiisa at kooperasyon ng komunidad sa pangagalaga at pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran.
