KARANCHO CDO, nakiisa sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa “Panaad sa Bukid sa Guadalupe 2025”

0
490998895_3790412907916300_2816178766569454734_n

Nakiisa sa pagpapanatili ng security, peace and order ang KARANCHO CDO sa naganap na taunang pagdagsa ng mga deboto sa “Panaad sa Bukid sa Guadalupe 2025” sa Tablon, Cagayan de Oro City tuwing Semana Santa.

Pinaalalahanan din ng nasabing grupo ang mga deboto na bawal magdala ng Lighter or posporo, mga matutulis na bagay gaya ng balisong at kutsilyo, mga inuming nakalalasing at mga speakers, radio kasama nadin ang mga gitara karaoke at iba pa.

Nasa mahigit 17,000 pilgrims ang nakilahok sa taunang debosyon sa Mahal na Birhen ng Guadalupe kung saan tinawid ang pitong ilog upang marating ang dambana ng birhen.

Patuloy na magsisilbi sa mamamayan ang KARANCHO CDO upang maging ligtas at payapa ang pamayanan sa Lungsod ng Cagayan de Oro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *