Force Multipliers nakiisa sa Send Off at MOA Signing Ceremony para sa SAFE Election 2025 

0
viber_image_2025-05-06_17-36-49-272

Nakiisa ang mahigit 200 na Force Multipliers ng Alicia, Isabela, kabilang ang Barangay Peace Keeping Action Team (BPATs) at Citizen Initiative Support Riders Group Inc. sa Send Off at Memorandum of Agreement Signing Ceremony sa Alicia Police Station, Alicia Isabela noong ika-5 ng Mayo 2025.

Ang nasabing aktibidad ay inisyatiba ng Alicia PNP sa pangunguna ni Police Major Felix V Mendoza, hepe ng Alicia PS, kasama ang DILG at COMELEC upang matiyak ang Secure, Accurate, Free and Fair Elections (SAFE) 2025.

Sa nasabing pagtipon-tipon, ang paglalagda sa kasunduan ay pinangunahan ni Mr. Rommel B Geronimo, Election Officer III na may layuning kapayapaan at malinis na halalan sa nabanggit na bayan.

Naging bahagi din sa aktibidad ang pagsasagawa ng Alicia PNP ng orientation at pamamahagi ng MNLE 2025 IDs para sa Force Multipliers na makikipagtulungan sa pagbabantay upang masiguro ang seguridad, kaayusan at kapayapaan sa nalalapit na eleksyon.

Ang pagkakaisa ng Force Multipliers at iba pang ahensya ng gobyerno ay malaking tulong sa PNP na handang maglingkod at makilahok sa mga mahahalagang aktibidad upang maisakatuparan ang kapayapaan at malinis na botohan sa darating na NLE 2025.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *