Dayalogo ukol sa ilegal na droga at fake news inilunsad sa Tagum City; mga kabataang residente, aktibong nakiisa

0
c966a70c-aa63-4694-bb56-28101f213f39

Sa layuning mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan tungkol sa batas at tamang paggamit ng social media, nagsagawa ng isang makabuluhang dayalogo ang mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 11 (RPCADU 11) kasama ang mga kabataan mula sa Barangay San Miguel, Tagum City noong Mayo 7, 2025.

Sa nasabing aktibidad, binigyang-diin ng kapulisan ang mahahalagang probisyon ng Repubic Act No. 9165 o ang condo Dangerous Drugs Act of 2002, bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng Philippine National Police laban sa ilegal na droga.

Ipinunto ng mga opisyal ang masamang epekto ng droga sa kalusugan, kinabukasan, at kinabibilangang komunidad ng kabataan.

Maliban dito, tinalakay rin sa nasabing diyalogo ang mga babala hinggil sa banta ng pekeng balita o fake news na karaniwang kumakalat sa social media.

Pinayuhan ng mga awtoridad ang mga kabataan na maging maingat at mapanuri sa mga impormasyong kanilang nababasa at ibinabahagi sa online platforms, upang hindi maging daan sa pagkalat ng maling datos na maaaring magdulot ng takot, pagkalito, o alitan sa komunidad.

Ayon sa mga kinatawan ng RPCADU 11, mahalagang bahagi ng community engagement ang pagbibigay ng tamang kaalaman sa mga kabataan upang mas mapalakas ang ugnayan ng pulisya at mamamayan. Isa rin itong hakbang upang mas mapalapit sa kabataan at maipabatid sa kanila na may maaasahan silang gabay sa panahon ng pangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *