Kampanya Kontra Droga, Terorismo, at Kriminalidad, isinagawa sa Marawi City
Matagumpay na isinagawa ang kampanya Kontra Droga, Terorismo, at Kriminalidad sa Barangay Tuca, Marawi City nito lamang ika-6 ng Mayo 2025.

Dinaluhan ng mga residente ng nasabing lugar ang aktibidad at nagbigay ng kaalaman ang Marawi City Police Station na ipaliwanang ang mga mapanirang epekto ng ilegal na droga, gayundin ang banta ng terorismo at ekstremismo sa seguridad ng komunidad.
Bukod dito, tinalakay rin ang ilang mahahalagang tips ukol sa pag-iwas sa mga uri ng kriminalidad na maaaring makaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan.

Ang layunin ng programa ay maipaabot sa publiko ang kahalagahan ng kooperasyon at pagbabantay sa mga mapanirang gawain, bilang bahagi ng mas pinalakas na kampanya kontra krimen ng Philippine National Police.
Ang aktibidad ay patunay ng patuloy na ugnayan sa pagitan ng kapulisan at ng komunidad upang mapanatili ang isang ligtas, payapa, at progresibong Marawi.