RA 9165, RA 9262 at banta ng CTG tinalakay sa Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) Meeting sa Davao del Sur

0
download-2

Aktibong lumahok ang mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 11 (RPCADU 11) sa isinagawang pagpupulong ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) nito lamang Mayo 6, 2025 sa Barangay San Miguel, Matanao, Davao del Sur.

Sa nasabing pagtitipon, tinalakay ng kinatawan mula sa RPCADU 11, ang mahahalagang probisyon ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.

Bukod dito, binigyang-pansin rin ang patuloy na banta ng Communist Terrorist Group (CTG) sa seguridad at kaayusan ng komunidad. Isa rin sa mga tinalakay ang mga mahahalagang paalala kaugnay sa nalalapit na National and Local Elections (NLE) 2025.

Pinapurihan naman ng lokal na pamahalaan at mga kasapi ng MADAC ang inisyatibong ito, na naglalayong mapalakas ang kampanya ng gobyerno at kapulisan kontra ilegal na droga, karahasan, at insurhensiya sa pamamagitan ng sapat na kaalaman at mas matibay na ugnayan sa pagitan ng kapulisan at komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *